Sunday, April 15, 2018

Tapos

Hindi lahat ng magandang kuwento ng pag-ibig ay itinadhana upang magtagal. Isa na dun ang kwento natin. 

Nakilala kita sa isang punto ng buhay ko kung saan ako ay tunay na masaya at kuntento. Nag-iisa lang ako at tinanggap ko na magiging mag-isa lang ako habang buhay, pero masaya ako. Masaya ako dahil alam kong hangga’t mag-isa ako, hindi ako masasaktan. Para sa akin, ang pag-ibig ay isang konsepto na wala sa mundo ko. Dahil alam kong ang pag-ibig at ako ay hinding hindi magkakasundo. 

Gayon pa man ay dumating ka sa aking buhay nang hindi inaasahan. Dumating ka kasama ang iyong mga pangako na nababalot ng mga matatamis na salita. Dumating ka at dinala mong muli ang pag-ibig sa mundo ko. Nung una natakot ako, ngunit tinulungan mo akong alisin ang takot. At tuluyan na nga akong nahulog sa iyo. 

Naging masaya tayo sa piling ng isa’t isa. Andun ang mga tawanan, kwentuhan, at ang mga gabing naglalakad nang lasing sa kalsada. Andun yung mga oras na nasa dagat tayo at nag-ssurf. Andun yung mga araw na dinadayo mo ako tuwing hindi ako makapunta jan. Kahit sa mga araw na magkalayo tayo ay napapasaya mo ako. Tuwing kasama kita, pakiramdam ko “I’m home.” For me, you are my home.

Ngunit madami din tayong araw na puno ng away at alitan, dahil sadyang hindi tayo perpekto at pareho tayong tao lamang na nagkakamali. Hindi kalaunan ay mas masami na yung mga araw na nag-aaway tayo kesa sa mga araw na tayo ay masaya. At dumating na sa punto na hindi na tayo masaya. Hindi ka na masaya. 

Tulad ng lahat ng bagay, ang pag-ibig natin ay dumating ba sa pagwawakas. Masakit. Sobrang sakit. Dahil alam ko sa sarili ko na mahal na mahal pa kita. Alam kong huli na ang lahat para ibalik ang nakaraan, pero kung bibigyan lang ako ng pagkakataon ay aayusin ko ang lahat. 

Dumating na sa pagwawakas ang kwento natin, na may halong lungkot at saya. Salamat. Salamat sa bawat araw at gabi na tayo ay magkasama. Salamat sa mga tawanan, inuman, kwentuhan, at kung ano ano pa. Salamat sa mga surf lessons, sa walang sawang pagpapasensya, at sa bawat alon na kasama kita. Salamat sa mga ngiti na idinulot mo. Salamat sa bawat pagkakataong sinagip mo ako tuwing pakiramdam ko ay nalulunod na ako sa alon ng buhay. Salamat sa mga ala-ala. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa pagkakaibigang ipinakita at patuloy na ipinapakita mo sa akin. Salamat dahil sa kabila ng lahat ng nangyari sa'tin ay nariyan ka pa din para sa akin.

Malaya ka na. Ngunit hindi sa pagtatapos ng kwento natatapos ang pagmamahal. At palaging mong tatandaan na sakaling magbago ang isip mo, andito lang ako.

Monday, January 1, 2018

October

Dear A, 

I have always dreaded my birthdays the same way people would dread hearing bad news. I was never a fan of birthdays - at least not my own. It's not that I dread getting old. It's just that I dread celebrating a day which I consider mundane. I do not really care about celebrating life, because I treat life indifferently. Life is life, and soon it will be gone. To me, my birthday is nothing but an ordinary day. 

And so, the dreaded day came. And you came with it. Unexpectedly. Yes, I have known you for months prior, but to me, you were just someone that I've locked eyes with and exchanged smiles with from a distance a few times. And yes, there was that one night in June when we talked at a party but that was when I've already had one too many drink. I was giddy and chatty and not exactly in my best state. Yet, you stayed and listened to me ramble on incessantly. That night, we got to know each other briefly - just the basics, but I forgot the details because they were blurry. So what transpired next were nothing short of unexpected. 

You, together with your revelations, came as a surprise on my birthday. You said things that were nice to hear. You told me how you felt about me. You made me feel special. I felt some uncertainty yet there was a voice in my head that was telling me to give it a try - to give us a try, because you were different. You were different in a way that you never looked at me the same way other men did; they looked at me with intentions far from pure. Unlike the others, you never made a move on me. Every word you uttered to me made your intentions clear: commitment - something that the others didn’t want. Something that I didn’t even wish for at the time, yet you were giving it to me. You were different that way and I was thankful for that. 

And so I followed that voice in my head, despite the other voices that were telling me otherwise. Despite the doubts that I had, not about you, but about myself. Despite the many challenges and struggles that I was anticipating. Despite every rational bone in my body that was telling me, and even screaming “no”. 

I gave you a chance and now I am scared. I have never been this scared in my entire life before. Not ever since I promised myself that I would never let myself go through again what I went through in the past: the dilemmas, the heartaches, the pain, the tears, and every terrible ordeal that I had to deal with because of love. I promised myself that I would not go through that again and here I am breaking that promise, and I am so so scared. I do not know what to do at this point. I’m already in too deep and there is no turning back now. If there’s one thing I have learned recently, that is to stand by every decision you make whether it is right or wrong. 

You were different. For only you have made, and continue to make, me feel happy and scared and anxious and alive all at the same time.

Saturday, November 4, 2017

Re-post: Kapag Nakita Mo Na Sya

"Kapag nakita mo na sya, wag ka magtaka kung di ka kaagad nya makikala
Kung ano ang naramdaman mong kilig, baka iyon naman ang naramdaman n’yang inis
Kung paano mo siya titigan, baka ganun ka lang din nya lagpasan, balewalain at hindi pansinin

Kung gaano kabilis ang tibok ng puso mo nung nakita mo siya, baka ganun din kabilis ang pag-alis niya
At sigurado ako itataboy ka nya palayo
Kapag nangyari ‘yun, wag mo sana isiping wala ng pag-asa
Siguro sanay na lang din talaga syang mag-isa
At sa hinaba-haba ng panahon ng pag-iisa niya, iniisip nya na hindi na nya kelangan ng iba
Ng isang katulad mo na maaring magdala sa kanya sa ibang mundo

Marahil ganyan ang turo sa kanya ng buhay at pag-ibig
Ang damhin ang lahat ng sakit, ang tanggapin ang anumang ibato ng buhay
Ang palayain ang lahat ng emosyon hanggang sa wala na syang muling maramdaman pa
Kaya’t kapag nakita mo na siya, hindi na siya naniniwala sa paghiling sa mga bulalakaw
Hindi na siya namamangha sa mahika ng buwan at mga bituin
O sa kung ano mang pwersa ng uniberso na maaring magtulak sa kanya patungo sa ‘yo
Hindi na siya naniniwala sa anu mang salita na nilikha ng pag-ibig
Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig
Kapag nakita mo na siya, baka ang tanging papel na lang ng puso nya ay ang panatilihin syang buhay
Baka tumitibok na lamang ito para padaluyin ang dugo sa katawan nya
Dahil kapag nakita mo na sya, hindi na nya alam ang pakiramdam ng magmahal at ng mahalin, ng arugain at yakapin
Ngunit wag kang mag-alala, dahil mukha lang naman ng pag-ibig ang nakalimutan nya
At ipaaalala mo ito sa kanya

Wag kang magsasawang ipaalala sa kanya kung gaano sya kaganda
Wag kang titigil sabihin sa kanyang mahal mo sya kahit na sa bawat pagbanggit mo sa salitang 'mahal kita' ay pait at sakit ang naaalala nya
Wag kang titigil na sabihin ito sa kanya hanggang sa maalala niya na sa likod ng bawat pait ay may tamis
Sa likod ng bawat sakit ay may ligayang dulot ang mga salitang 'mahal kita'
At kung saktan ka man ng mga salita niya, gantihan mo ito ng yakap
Kung magpumiglas siya, hatakin mo siya pabalik at yakapin ulit
Kung paulit-ulit siyang umalis, paulit ulit mo rin syang habulin
Kung paulit-ulit siyang bumitaw, paulit-ulit mo rin syang hawakan

Pakiusap, wag na wag mo siyang bibitawan
Wag na wag mo siyang pakakawalan
Ipaalala mo sa kanya na minsan rin siyang naniwala sa paghiling sa mga bulalakaw
Na minsan na rin syang namangha sa mahika ng buwan at mga bituin
Na minsan din siyang naniwala sa mga salitang nilikha ng pag-ibig
Na minsan din siyang naniwala sa pag-ibig
Ipakita mo sa kanya ang bagong mukha ng pag-ibig
Pakiusap, wag na wag mo siyang susukuan
Hanggang sa maisip niya, na ang pag-iisa ay mayroon ding hangganan"

by Maimai Cantillano